Saturday, July 28, 2012

Ang Ikatlong SONA ni PINoy

A Reaction Paper project report from one National High School student...

The summary:

Open Quote ;

* News Paper Clipping *
Ang Ikatlong SONA ni Pinoy

Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.” Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.
Sa pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan. Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito. Nitong Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na magpapaluwag sa trapik sa Las Piñas, Parañaque, at Cavite..
Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakakarami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Panay addition po ang nagaganap sa ating budget sa edukasyon. Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana sa atin noong 2010, 177 billion pesos. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform Roadmap ng CHED at ng kaukulang state universities and colleges, upang siguruhing dekalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado....

Reaksiyon Ko:

Ang reaksiyon ko sa ikatlong SONA ni Pinoy ay maganda ang lahat ng mga talumpati niya sa nakabubuti yon para sa atin lalo na iyung pagdiklara ng pagkakaroon ng LRT mula Cavite patungong Maynila, mas importante yan sa mga tao lalo na kung silay may mga trabaho sa malalayo. At saka nga ang sakrispisyong sinasabi ng ni Pinoy ay magiging puhunan para sa inaasahan ng lahat o para sa ating kinabukasan ang mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo n gating bokasyon. At sana makatuwiran naman po sigurong umasa tayo na hindi tau padadaanin sa butas ng karayom. Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang puhunan. At dapat lang panatilihing mababa ang pamasahe sa MRT. At sana ayon sa saligang batas, alam ko pong tungkulin ng estado ang siguraduhing walang lamangan sa merkado. Dapat po talagang ipagbawal ang monopoly, ipagbawal din ang cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan rin po natin ng isang Anti-trust law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small at Medium Scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya. At sana lahat niyan ang matutupad ni Pinoy ang ating Pangulo…

Closed Quote.

Monday, July 9, 2012

Romeo & Juliet, An Inspirational Story?


Si Juliet ay nag-iisang anak ng mayamang pamilya, marami ang mangingibig ni Juliet ngunit ni isa sa kanila wala nsyang naiibigan. Isang araw namasyal sya sa paligid ng kanilang hacienda nakita niya si Romeo, isang binatang siya’y humanga sa tindig at mukha nito, at una siyang nakita ng binata inibig na siya nito at iniibig rin siya ni Juliet .

At nalaman na nya na magkaaway pala ang pamilya ni Juliet at ang pamilya ng binata. Sa kasamaang palad na laman ito ng magulang ni Juliet kaya't daliang ipinaayos ang pagpapakasal ni Juliet sa ibang lalaki. At dahil sa wala ng maisip na paraan si Juliet upang di matuloy ang kasal nya, uminom siya ng isang gamot na ibinigay sa kanya ng isang pari sa simbahan. Kapag ito ay ininum mo saglit kang mamatay, at pagkalipas ng limang oras ikaw ay magigising muli, ani ng Pari. Ininum yun ni Juliet at dahil siya’y namatay di natuloy ang kasal. Nang malaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet ay gayundin ang ginawa ni Romeo at ininum din ang gamot. Inilibing si Juliet at pagkalipas ng limang oras siya’y nagising nakita niya sa kanyang tabi si Romeo na mukhang patay narin, naisip ni Juliet na wala namang kwenta ang buhay nya pag wala si Romeo. Kinuha nya ang patalim sa bulsa ng kanyang damit at sinaksak ang kanyang sarili. Pagkalipas ng limang oras nagising naman si Romeo at nakita niyang may saksak ng patalim sa dibdib ni Juliet at wala ng buhay. Umiyak siya ng umiyak “ano pa ang kwenta ng buhay ko kung patay kana Juliet?” sambit ni Romeo. Kaya hawak ang patalim ay sinaksak rin niya ang kanyang sarili.

Dito nagwawakas ang pagmamahalan nina Juliet at Romeo.

Nakapagbibigay inspirasyon nga ba ang buod ng istorya ng pagiibigan nina Romeo at Juliet? Kayo na ang humusga.