Walang Iwanan
I. May dalawang dalagang magkaibigan
Magkasama sila sa babwa’t lakaran
Sa problema’y palaging nagdadamayan
Nangakong kailan’may walang iwanan
II. Ngunit mayrong isang binatang dumating
At ang dalawa’y biglang nahumaling
Sa isang binata’y kapwa napaibig
Pagkakaibigan gumuhong daigdig
III. Isa sa dalawang dalaga’y sinadya
Na sa kaibigan niya’y magparaya
Natali sa isa’t-isa’y ay pumiling
Ngunit sa iba pag-ibg ibinaling
IV. Sa binata inggitera ay sumabit
Nagmistulang mangaagaw na kabit
Binata’y lumayo asawa’y iniwan
Tukso ay umayaw lumayas din naman
V. Inggitera,y nagising, nagpakalayo
Nagkawalay na puso’y muling nagtagpo
Nangakong din a minsan man tatalikod
Sa sinumpaan sa altar kung san bunuklod