The summary:
Open Quote ;
* News Paper Clipping *
Ang Ikatlong SONA ni Pinoy
Ito po ang aking
ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang
kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan.
Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa
kalsada kundi sa sistemang panlipunan.
Dalawang
taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsyon; sawa
na kami sa kahirapan.” Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na
kakampi ng taumbayan.
Sa
pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po
sana ito sa lalong madaling panahon. Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa
ang pondo para sa kalusugan. Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa
edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng
estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito. Nitong
Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite
Extension project, na magpapaluwag sa trapik sa Las Piñas, Parañaque, at
Cavite..
Sinisiguro
po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakakarami. Alalahanin po natin: Nang
mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang
Pilipino Program. Panay addition po ang nagaganap sa ating budget sa edukasyon.
Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana sa atin noong 2010, 177
billion pesos. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform Roadmap ng
CHED at ng kaukulang state universities and colleges, upang siguruhing
dekalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado....
Reaksiyon Ko:
Ang
reaksiyon ko sa ikatlong SONA ni Pinoy ay maganda ang lahat ng mga talumpati
niya sa nakabubuti yon para sa atin lalo na iyung pagdiklara ng pagkakaroon ng
LRT mula Cavite patungong Maynila, mas importante yan sa mga tao lalo na kung
silay may mga trabaho sa malalayo. At saka nga ang sakrispisyong sinasabi ng ni
Pinoy ay magiging puhunan para sa inaasahan ng lahat o para sa ating
kinabukasan ang mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo n gating bokasyon.
At sana makatuwiran naman po sigurong umasa tayo na hindi tau padadaanin sa
butas ng karayom. Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator
na mababawi nila ang puhunan. At dapat lang panatilihing mababa ang pamasahe sa
MRT. At sana ayon sa saligang batas, alam ko pong tungkulin ng estado ang
siguraduhing walang lamangan sa merkado. Dapat po talagang ipagbawal ang monopoly,
ipagbawal din ang cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan rin po natin ng
isang Anti-trust law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang
magbibigay ng pagkakataon sa mga Small at Medium Scale Enterprises na makilahok
at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya. At sana lahat niyan ang matutupad ni
Pinoy ang ating Pangulo…
Closed Quote.