Monday, July 9, 2012

Romeo & Juliet, An Inspirational Story?


Si Juliet ay nag-iisang anak ng mayamang pamilya, marami ang mangingibig ni Juliet ngunit ni isa sa kanila wala nsyang naiibigan. Isang araw namasyal sya sa paligid ng kanilang hacienda nakita niya si Romeo, isang binatang siya’y humanga sa tindig at mukha nito, at una siyang nakita ng binata inibig na siya nito at iniibig rin siya ni Juliet .

At nalaman na nya na magkaaway pala ang pamilya ni Juliet at ang pamilya ng binata. Sa kasamaang palad na laman ito ng magulang ni Juliet kaya't daliang ipinaayos ang pagpapakasal ni Juliet sa ibang lalaki. At dahil sa wala ng maisip na paraan si Juliet upang di matuloy ang kasal nya, uminom siya ng isang gamot na ibinigay sa kanya ng isang pari sa simbahan. Kapag ito ay ininum mo saglit kang mamatay, at pagkalipas ng limang oras ikaw ay magigising muli, ani ng Pari. Ininum yun ni Juliet at dahil siya’y namatay di natuloy ang kasal. Nang malaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet ay gayundin ang ginawa ni Romeo at ininum din ang gamot. Inilibing si Juliet at pagkalipas ng limang oras siya’y nagising nakita niya sa kanyang tabi si Romeo na mukhang patay narin, naisip ni Juliet na wala namang kwenta ang buhay nya pag wala si Romeo. Kinuha nya ang patalim sa bulsa ng kanyang damit at sinaksak ang kanyang sarili. Pagkalipas ng limang oras nagising naman si Romeo at nakita niyang may saksak ng patalim sa dibdib ni Juliet at wala ng buhay. Umiyak siya ng umiyak “ano pa ang kwenta ng buhay ko kung patay kana Juliet?” sambit ni Romeo. Kaya hawak ang patalim ay sinaksak rin niya ang kanyang sarili.

Dito nagwawakas ang pagmamahalan nina Juliet at Romeo.

Nakapagbibigay inspirasyon nga ba ang buod ng istorya ng pagiibigan nina Romeo at Juliet? Kayo na ang humusga. 

No comments: